Davao City, kinubkob ng Marcos admin

Davao City, kinubkob ng Marcos admin

ISANG dating opisyal ng Duterte administration ang naglabas ng kaniyang sama ng loob dahil sa mala- awtoritaryanismong hakbang ng kasalukuyang administrasyon sa Davao City.

“Davao City, first time in the history sa Davao City, you are now under siege. The presence of the Special Action Forces, 2 battalions is a manifestation of take over in the city. This is what we call now a police state,” pahayag ni Ben Ranque, Former Usec. DOE, FPRRD.

Lubos na ikinagalit ni Ben Ranque, national coordinator ng Marcos Alis Diyan Movement at dating Department of Energy (DOE) Undersecretary ng nakaraang administrasyong Duterte, ang ginawang hakbang ng pamahalaang Marcos sa pagpapatanggal ng higit 30 police officers ng Davao City at palitan ng dalawang batalyon ng PNP Special Action Forces.

Ikinababahala rin nito na posibleng baliktarin ng kasalukuyang administrasyon ang mga nagawa ng Duterte sa naturang lungsod.

“In 2015 noong mayor pa si Tatay Digong Number 5 Safest City ang Davao, ‘yun nga ang pinagmalaki natin kung bakit nanalo ang mga Duterte, because we showcase Davao as peaceful city, most improved city, namamayagpag ang law and order so walang problema anong rason pupuntahan mo?” dagdag ni Ranque.

“Kasi pwede nilang baligtarin ang history ng Davao paplantan nila ng anong klaseng krimen at icha-charge nila ay ito pala ito sinasabi nila na ang Davao ay safe, so iplaplant nila, they will picture really that Davao is opposite dun sa nangyari,” diin ni Ranque.

Paliwanag naman ni Atty. Arnedo Valera isang international human rights lawyer at pangulo ng Hakbang ng MAISUG USA, malaking lamat diumano ang ginawang pag-undermine sa awtoridad ni Mayor Sebastian Duterte na kaniyang maituturing na isang awtoritaryanismo.

“Nakikita natin dito na ito ‘yung mga indikasyon na anyo ng awtoritaryanism na pamamahala na hindi ito ‘yung prinsipyo ng demokrasya at pagtataguyod ng karapatang pantao.”

“Pinapakita nila we can do whatever we want and we can justify under the law,” pahayag ni Atty. Arnedo Valera, Hakbang ng MAISUG, USA President.

Sa kabilang banda naman ay nanawagan si Ranque sa kaniyang mga kababayang Dabawenyos na,

“To stand, to speak up, stand for the truth we will have to go to streets and protest the presence of these forces, alam naman natin na si Marcos Jr. ang nagpapadala diyan para silence kayong lahat diyan,” ayon pa kay Ranque.

“Ang sambayanang mapag-alam ay nagbibigay lakas ng ating demokrasya, ngunit ang sambayanang walang pakialam ay siyang wawakas ng ating kalayaan,” dagdag ni Ranque.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter