UMATRAS sa pagtakbong Alkalde sa 2022 si Davao City Mayor Sara Duterte.
Sa hindi inaasahan ay biglang nagbitiw sa pagtakbong Alkalde ng Dabaw si incumbent City Mayor Sara Duterte.
Sa kabila ng kanyang mga naunang pahayag na hindi ito tatakbong pangulo sa 2022 at tatapusin ang kanyang huling termino bilang local chief executive.
Sa official statement niya sa Facebook, kinumpirma ng Mayora ang kaniyang pagkalas sa mayoralty race.
Naging emosyonal ang Mayora matapos batiin ng mga taga City hall sa naging pasya.
Ani Sara, si Vice-Mayor Baste Duterte ang papalit sa kanya sa eleksyon.
Tumanggi namang magbigay ng karagdagang detalye si Mayor Sara.
Nauna nang nag-withdraw kaninang umaga si Baste sa kanya sanang pagtakbo sa pagka-bise alkalde.
Papalit sa kanya sa vice-mayoralty race si Atty. Melchor Quitain Jr.
No comment naman ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa naging pasya ng kanilang founder na si Mayor Inday.
Gayunpaman, maging ang spokesman ng Mayora na si Liloan Mayor Christina Frasco ay “no comment” din.