Mayor Sara, unifying factor sa Mindanao —Zamboanga Mayor Climaco

Mayor Sara, unifying factor sa Mindanao —Zamboanga Mayor Climaco

UNIFYING force si Davao City Mayor Inday Sara Duterte hindi lang sa Mindanao kundi pati narin sa mga sundalong biktima ng pagbagsak ng C-130.

Ito ay ayon kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco sa panayam ng Sonshine Radio kaugnay sa pagbisita ni Inday Sara sa mga sundalong sugatan at nagpapagaling sa Zamboanga kamakailan lang.

Samantala, ibinahagi rin ni Mayor Climaco na sobrang mapagkumbaba at mapagmahal si Inday Sara, bagay na ramdam din umano ng mga Muslim, indigenous people at iba pa.

Dahil dito, tiniyak ni Climaco na suportado nya sakaling tatakbo bilang pangulo ng bansa si Inday Sara sa 2022 elections.

Si Mayor Inday Sara ay isang reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang isang colonel.

SMNI NEWS