Tagasuporta ni Mayor Sara Duterte, nagsagawa ng operasyon tuli sa Laguna

Tagasuporta ni Mayor Sara Duterte, nagsagawa ng operasyon tuli sa Laguna

NAGSAGAWA ang mga miyembro ng Inday Sara Duterte Ako (ISDA) – Volunteer Support Group ng libreng operasyon ng tuli para sa mga batang lalaki sa Barangay Langkiwa, Biñan City sa probinsiya ng Laguna noong Sabado, Hulyo 10.

Ang nasabing medical mission ay nilahukan ng 180 mga bata mula sa 8 hanggang 15 taong gulang sa Southville 5A Elementary School.

Pinangunahan ang aktibidad ni ISDA Coordinator for Laguna Mr. Andy Vergara katulong ang grupo ni Dra. Fe Tuble na kinabilangan ng mga nursing students at mga miyembro ng Tau Gamma Fraternity.

Libre rin na matatanggap ng mga pasyente mula sa volunteer group ang mga kinakailangang medisina, medical kits, at iba pang mga kagamitang pangmedikal para sa pagpapagaling ng mga ito.

Suportado naman ni Mayor Walfredo “Arman” R. Dimaguila Jr. ang aktibidad sa pagbigay ng tamang awtorisasyon sa pagsagawa ng nasabing operasyon.

Isinagawa ng nasabing grupo ang kaparehong medical mission sa Barangay Medina sa munisipyo ng Magallanes, Cavite nakaraang Hunyo 12 na nilahukan ng 135 mga bata.

Ayon sa ISDA, patuloy na magbigay ng serbisyo ang kanilang grupo at iangat ang kalusugan at kapakanan ng mga Pilipinong mamamayan sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad at mga outreach programs na naaayon sa kahalagahan at plataporma ni Davao City Mayor Inday Sara Z. Duterte-Carpio.

BASAHIN: ISDA group, nagsasagawa ng mga outreach programs alay sa buwan ng kaarawan ni Mayor Sara Duterte

SMNI NEWS