Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, papatawan ng sanction

Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, papatawan ng sanction

NAPAGDESISYUNAN ng House Ethics Committee na patawan ng sanction si Davao del Norte 1st District Pantaleon Alvarez.

Kaugnay ito sa umano’y hindi kaaya-ayang pahayag ng kongresista laban sa Marcos administration na inihain ni Tagum City Mayor Rey Uy.

Magugunitang sa isang rally na ginagawa noong Abril 14 sa Tagum ay hinikayat ni Alvarez na talikuran na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Bagamat hindi idinetalye kung anong uri ng sanction ang ipapataw, sinabi ng komite na isinasapinal na nila ngayon ang kanilang report hinggil dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble