MAS pinabilis pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng 4.76km na Samal Island-Davao City Connector Bridge.
Ito’y dahil kapag natapos na ay mapapalakas nito ang paglago ng ekonomiya, turismo at koneksyon sa transportasyon sa buong rehiyon ng Davao.
Sa ulat ng DPWH, mahigit 12 percent na ang natatapos sa proyekto kung saan ang kasalukuyang tinatrabaho ay nakatuon sa pundasyon at substructure ng tulay.
Pinopondohan ang proyekto sa pamamagitan ng 20.84 billion pesos na official development assistance loan mula China.