Defense Chief Gibo Teodoro, lusot na sa CA

Defense Chief Gibo Teodoro, lusot na sa CA

LUSOT na sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang pagtalaga kay Gilberto ‘Gibo’ Teodoro, Jr. bilang kalihim ng Department of National Defense (DND).

Ito’y matapos i-endorso ng CA Committee on National Defense ang appointment ni Teodoro.

Sa pagdinig ng CA, inihayag ni CA Majority Leader at Camarines Sur Representative Luis Raymond Villafuerte na hindi na magtatanong pa ang mga miyembro ng Kamara kaugnay sa appointment ni Teodoro dahil nakatrabaho na umano nito ang opisyal.

Matatandaan na si Teodoro ay unang itinalaga bilang kalihim ng DND sa administrasyon ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo at nitong Hunyo lang ay itinalaga naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. bilang kalihim ng ahensiya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble