PINALITAN ni Russian President Vladimir Putin ng isang ekonomista ang kaniyang defense minister na si Sergei Shoigu.
Bagamat pinalitan ay magsisilbi ito bilang secretary ng Russia Security Council at magiging deputy ng Military-Industrial Commission.
Ayon kay Kremlin Spokesperson Dmitry Peskov, bahagi ito ng major reshuffle sa military leadership ng kanilang bansa.
Kung pagbabatayan ang ilang ulat, nangyari ang reshuffling matapos ang umano’y hindi pagkakaintidihan ng mga opisyal sa mataas na posisyon.
Noong nakaraang buwan lang ay mayroong ilan sa defense ministry ang inaresto at nahaharap sa kasong may kaugnayan sa korapsiyon.