“Saturday classes” posibleng gagawin ng DepEd sa susunod na school year

“Saturday classes” posibleng gagawin ng DepEd sa susunod na school year

POSIBLENG magkakaroon ng “Saturday classes” ang Department of Education (DepEd) sa School Year 2024-2025.

Magsisilbi itong “make up” class dahil na rin sa planong pagbabawas ng school days sa susunod na taon.

Nilinaw ng ahensiya na sakaling tuluyang ipatupad ay hindi naman magiging linggo-linggo ang Saturday classes.

Matatandaang pinaplano ng DepEd na simulan ang SY 2024-2025 ngayong Hulyo 29 at magtatapos ito sa Marso 31 sa susunod na taon.

Dahil dito, mula sa kasalukuyang minimum 180 school days ay magiging 163 na lang ito.

Follow SMNI News on Rumble