Defense relations ng Pilipinas at Italy, muling pinagtibay

Defense relations ng Pilipinas at Italy, muling pinagtibay

NAG-COURTESY call si Italian Ambassador to the Philippines Marco Clemente kay Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino, Jr. sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ayon kay Defense spokesperson Arsenio Andolong, binati ni Clemente si Faustino sa pagkakatalaga sa pwesto at tiniyak ang pagpapalakas ng bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Italy.

Habang nagpaabot naman ng pagbati si Faustino sa ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Pinagtibay rin ng mga opisyal ng Pilipinas at Italy ang defense relations.

Nagpahayag naman ng kahandaan na tumulong ang Italy sa capability-upgrade program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Follow SMNI NEWS in Twitter