NANANAWAGAN ngayon si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa publiko na sumunod sa mga pinapairal na batas ng mga law enforcement agencies.
Ito ang inihayag ng kalihim sa isang pulong balitaan matapos ang nangyaring pambobomba ng mga teroristang grupo sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City, araw ng Linggo.
Natalakay rin kasi sa naturang pagpupulong na magtataas ng alert level ang kapulisan sa buong National Capital Region (NCR) bilang paghahanda at upang maiwasan ang nasabing insidente kaya asahan na magkakaroon ng mga checkpoint.
Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring pambobomba sa Marawi City.