IGINIIT ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa limang pagdinig ng Senate Public Order ang Dangerous Drugs Committee na kailangang magpatupad ng death penalty sa mga politikong mayroong private armed groups.
Ayon kay Sen. Dela Rosa, agad niyang isasama ang mga hakbang na ito sa report na kaniyang isusumite sa komite para sa posibleng pagpatutupad ng batas.
Dagdag ni Dela Rosa, dapat na bigyan ng mas mabigat na parusa ang mga dating miyembro ng security forces dahil sa ginagamit ng mga ito ang kanilang mga natutunan sa kanilang training mula sa Armed Forced of the Philippines (AFP) para biktimahin ang mga walang laban na mga sibilyan.
Bukod sa muling pagpatutupad ng death penalty, plano rin ni Dela Rosa na amyendahan ang omnibus election code kung saan hindi na papayagan ang pagsali ng ma “nuisance candidates” sa bawat eleksiyon.