MAINIT na tinanggap ni Defense OIC Senior Undersecretary Carlito Galvez, Jr. si United States Army chief of staff General James McConville sa kaniyang pagbisita sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Sa pulong ng dalawang opisyal, pinasalamatan ni Galvez ang pagtanggap kay Pangulong Ferdinand R. ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at kaniyang delegasyon sa pagbisita sa US Department of Defense kamakailan.
Naniniwala naman si McConville na mahalaga ang pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagtutulungan.
Nabatid na ang pagbisita ni McConville ay bahagi ng high-level visits ng mga opisyal ng Estados Unidos upang mapatatag ang alyansa ng dalawang bansa.
Una nang bumisita sa Pilipinas sina US Vice President Kamala Harris, US Secretary of State Anthony Blinken, US Secretary of Defense Lloyd Austin, at iba pang opisyal.