SINABI ng Department of Migrant Workers (DMW) na marami nang mga bansa mula sa Europa ang hiring ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Kasama rito ang mga bansa tulad ng Czech Republic, Austria, Hungary, Finland, Denmark, at Portugal.
Pinakamataas ang demand sa mga Pilipino na health-care workers, caregivers, household workers, housekeepers, tourism-related workers, baristas, at iba pa.
Sa kabila rito ay ipinaalala ng ahensiya na maging maingat sa illegal recruiters at traffickers.