BAHAGYANG bumaba ang mga kaso ng dengue sa mga pangunahing lungsod. Sa ulat ng Department of Health (DOH), mula Mayo 4 hanggang 17 ay naitala ang 5,900 bagong kaso – mas mababa ng 12% kaysa sa naunang dalawang linggo.
Mula sa mahigit 6,707 kaso noong nakaraang linggo, bumaba ito sa halos 5,900.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang paalala ng DOH sa publiko na manatiling mapagmatyag lalo na’t papasok na ang panahon ng tag-ulan, kung kailan mas mabilis dumami ang mga lamok na may dalang dengue virus.
Ipinapaalala ng DOH ang 4Ts kontra dengue, maaaring itaob ang mga gamit na maaaring pag-ipunan ng tubig, itaktak ang mga lumang gulong o lalagyan, kinakailangan tuyo ang paligid, at siguraduhin na may takip sa mga lalagyan ng tubig.
Patuloy na nananawagan ang DOH sa publiko na makiisa sa kampanya kontra dengue.
Maging mapagmatyag, at agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health center sa oras na makaranas ng sintomas tulad ng lagnat, rashes, at pananakit ng katawan.