Denmark, Top 1 sa “Least Corrupt Countries”; Singapore, tanging Asian country na pasok sa Top 10

Denmark, Top 1 sa “Least Corrupt Countries”; Singapore, tanging Asian country na pasok sa Top 10

NANGUNGUNA ang Denmark sa Top 10 ”Least Corrupt Countries” ayon sa 2023 Transparency International Corruption Perceptions Index.

Sa inilabas na datos, 90 points ang nakuha ng Denmark.

Sinundan ito ng Finland na may 87 points; New Zealand na may 85 points; Norway na may 84 points; at Singapore na may 83 points.

Kasama rin sa Top 10 ang Sweden at Switzerland na pawang may 82 points; Netherlands na may 79 points; Germany na may 78 points; at Luxembourg na may 78 points.

Mapapansing tanging Singapore lang ang Asian country na pasok sa Top 10.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter