NAGKAISA ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ilang pribadong kompanya at unibersidad upang makabuo ng isang carbon credit program sa pamamagitan ng reforestation.
Nitong Biyernes lang nang nilagdaan ng DENR ang isang memorandum of understanding sa Tokyo, Japan kasama ang Marubeni Corp., DMCI Holdings Unit Dacon Corp., at ang University of the Philippines – Los Baños College of Forestry and Natural Resources (UPLB-CFNR) para sa proyekto.
Ang mga carbon credit ay isang permit na nagpapahintulot sa pagpapalabas ng mga tiyak na halaga ng carbon dioxide o iba pang greenhouse gasses sa isang tinukoy na panahon.
Ito ay dahil sa pagbaba ng nasa mahigit 20% ng kabuuang lawak ng lupain noong 2020 mula sa 70% dahil sa “labis na pagtotroso” at “konbersyon sa lupang pang-agrikultura.”
Magugunitang noong Disyembre ng nakaraang taon nang iminungkahi ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang paggawa ng batas para sa carbon credit systems sa Pilipinas at repasuhin ang Climate Change Act of 2009 o Republic Act 9729.