IPINANGAKO ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu kasama ang 26,000 trabahante na makikipagtulungan ang buong pwersa ng ahensya na labanan ang korapsyon.
Ito’y matapos lagdaan ng kalihim ang manifesto sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Ayon kay Cimatu, hindi lamang ito isang seremonya o paglagda lamang sa manifesto, bagkus ito ay isang kasunduan sa PACC kung saan malaking pribilehiyo na makasama rin ang ilan pang ahensya na nakikibaka sa mga katiwalian na nagaganap sa gobyerno
“I am serious in this effort of the DENR to the officers down there also PENROs to the CENROs bring this message to our personnel and bring this message to our 26,000 personnel,” pahayag ni Cimatu.
Kaya naman sa pagpapatuloy na pakikibaka ng PACC Project Kasangga: Tokhang Laban sa Korapsyon sa mga tiwaling manggagawa ng gobyerno, nangako ang DENR na makipagtulungan sa gobyerno na malinisan ang kanilang ahensya laban sa mga korap na opisyal at mga tauhan nito.
Kung matatandaan, kamakailan lamang ay may dalawang Environmental Management Bureau directors ng DENR ang nasampahan ng kaso.
Kaya ang layunin ng DENR sa pamumuno ni Cimatu na makikipagtulungan sila sa PACC alinsunod sa nilagdaang manifesto.
“The signing of the manifesto and cooperation is oath upon you is your solid testimony of your commitment to get rid of corrupt practices and unscrupulous government workers, we trust that your management and your supervision in the Department of Environmental and Natural Resources shall make our fight against crime and corruption a lot easier as you plead your own right. PACC has no intention to be your nemesis. We want you to be our partners against grafts,” ayon kay Greco Belgica, chairman ng PACC.
May paalala naman ang PACC chairman para sa mga gumagawa pa rin ng katiwalian.
“To this point onward anyone who engaging graft one strike po tayo, we will press all our power and authority to make sure as instructed by the President that no one gets away with this illegal activities, inuulit ko po one strike policy lng po tayo,” babala ni Belgica.
Sinabi ni Cimatu na ang DENR ay transparent sa una pa, katunayan ay isa sa trabahante nila ay namatay dahil sa pakikipaglaban sa mga illegal loggers, pero meron pa rin iilan na mga pasaway kaya masaya sila na may kasangga na sila laban sa mga katiwalian.
(BASAHIN: ARTA at PACC, paiigtingin ang laban kontra korupsiyon sa huling taon ng Duterte Administration)