KUMPIYANSA ang Department of Energy (DOE) na hindi magkakaroon ng brownout sa darating na May 9 elections.
Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella na handa ang mga contingency measures ng kagawaran upang matiyak na walang power outage sa eleksyon.
Una nang nagbabala ang isang energy policy group ng pagkakaroon ng rotating brownout sa buong Luzon Grid sa panahon ng halalan.
Ayon sa Institute for Climate and Sustainable Cities, na magkakaroon ng very tight power supply outlook para sa ikalawang quarter ng taon kung saan masasapul ang halalan sa Mayo 9, at maging ang pagbibilang ng boto.
Sinabi ni Director Mario Marasigan, na patuloy silang nakikipag-usap sa mga planta na hindi pa fully-operational na maaaring makatulong sakaling kailanganin sa darating na eleksyon.
Dagdag ni Marasigan, na may available na higit 500 megawatts sa Interruptible Load Program at inaasahan na mas marami pa ang makikilahok dito.
Nakipag-ugnayan na rin ang DOE sa mga power generating companies na iwasan ang pagsasagawa ng force outage at maintenance schedules ng mga power plants.
Isa kasi ito sa mga dahilan sa pagbaba ng suplay ng enerhiya sa bansa na nagdudulot ng rotational brownout.
BASAHIN: BBM, nais ibalik ang Oil Price Stabilization Fund; BNPP, maganda kung bigyang pansin muli