Southern border ng Thailand, nagbukas na

Southern border ng Thailand, nagbukas na

NAGBUKAS na para sa mga manlalakbay ang Southern border ng Thailand.

Aabot sa 107 Malaysian ang nagparehistro sa pagpasok sa ilalim ng Thailand Pass System.

Samantala, may ilang isyu naman na hindi naresolba na nagdulot sa pag-alis ng ilang manlalakbay matapos mabigong magparehistro.

Ang checkpoint sa Songkhla Province na primary land crossing sa Malaysia ay muling nabuhay matapos ang dalawang taon na pagsasara dahil sa pandemya.

Ang mga manlalakbay ay kinakailangang magpakita ng passports, COVID-19 vaccination documents at proof para sa reservation at bayad para sa SHA extra plus hotels bago sumailalim sa RT-PCR test kung saan ang resulta ay inaasahang aabutin ng apat hanggang anim na oras.

Follow SMNI NEWS in Twitter