DepEd, “Most Trusted”, “Best Performing” gov’t agency sa 2024—Survey

DepEd, “Most Trusted”, “Best Performing” gov’t agency sa 2024—Survey

NANANATILING “Most Trusted” government agency ang Department of Education (DepEd).

Batay sa first quarter survey ng OCTA Research para ngayong 2024, nasa 82% ang nakuha na trust rating ng DepEd.

Sa Mindanao makikita ang pinakamataas na trust rating habang pinakamababa ang nakuha ng ahensiya sa Metro Manila.

Ayon sa fourth quarter survey ng OCTA noong 2023 ay nakuha rin ng DepEd ang pagiging “Most Trusted” government agency.

Samantala, nakuha rin ng DepEd ang “Best Performing” government agency ngayong 2024.

Sa parehong survey, 84% ang nakuha ng DepEd.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble