DepEd, nanawagan sa ibang paaralan na i-absorb ang mga estudyante mula sa nagsarang paaralan sa QC

DepEd, nanawagan sa ibang paaralan na i-absorb ang mga estudyante mula sa nagsarang paaralan sa QC

NAKIKIUSAP ang Department of Education (DepEd) sa ibang paaralan na i-absorb muna ang ibang estudyante mula sa Colegio De San Lorenzo (CDSL) sa Quezon City dahil sa pagsasara nito nang walang paalam sa kagawaran.

Magugunitang nitong Agosto 15 inanunsyo ng CDSL sa mga magulang at estudyante nito na magsasara na ito dahil sa kakulangan sa pinansyal at mababang turn out ng mga enrolee.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, may isa ng pribadong paaralan sa Quezon City na nag-alok na kukunin ang mga estudyante mula sa CDSL lalo na ang mga Grade 11 at Grade 12.

Umaasa si POA na marami pang paaralan ang magpapahayag ng kagustuhan na i-absorb ang mga estudyante.

Kinumpirma rin ng DepEd na hindi muna nagpaalam ang paaralan bago nagsara na nasa voluntary closure sa ilalim ng Section 43 ng Department No. 88 Series of 2010.

Sa ngayon, ibinabalik na ng school ang tuition fee ng mga estudyante, expenses para sa uniform at libro.

Tumutulong din ang CDSL sa paglipat ng mga estudyante nito sa ibang paaralan.

Follow SMNI NEWS in Twitter