SASALUHIN muna ng Department of Education (DepEd) ang pangangasiwa sa nasa 14 na pampublikong paaralan sa pinag-aagawang teritoryo ng Makati at Taguig.
Ito’y para hindi maaapektuhan ang pagbubukas ng klase sa naturang mga paaralan ngayong Agosto 29.
Batay sa Department Order ng DepEd, lahat ng aktibidad sa loob ng mga paaralan o anumang may kaugnayan sa mga apektadong paaralan ay kailangang dumaan at inaprubahan mula sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte bilang DepEd Secretary.
Ang naturang mga paaralan ay ang: Makati Science High School, Pembo Elementary School, Comembo Elementary School, Cembo Elementary School, East Rembo Elementary School, West Rembo Elementary School, South Cembo Elementary School, Rizal Elementary School, Fort Bonifacio Elementary School, Fort Bonifacio High School, Pitogo Elementary School, Pitogo High School, Tibagan High School at Benigno Ninoy S. Aquino High School.
Samantala, bumuo na rin ng transition committee ang DepEd na bubuo naman ng pinal na transition plan at iba pang kinakailangang gawin.