IMINUNGKAHI ni Quezon City 1st District Rep. Mark Enverga sa Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (MARINA) na maganda magkaroon ng deputized maritime safety officers sa bawat lungsod, bayan, at barangay na may daungan.
Ito ay matapos isang bangka ang lumubog sa Polillo Island kamakailan.
Ayon kay Enverga, isasailalim sa training at deployment ang sinumang magiging deputized maritime safety officers.
Maigi rin na bumalangkas ng competency standards, certification ng technical competency at magpatupad ng libreng training programs ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Maritime Training Council na babagay para sa mga lokal na marino partikular na sa mga nagtra-trabaho sa mga motorized banca.
Maliban pa rito, nais rin ni Enverga na magiging permanente ang pre-departure briefing sa mga pasahero hinggil sa tamang pagsusuot ng life vest at water safety and emergency procedures bago pa man pumalaot ang isang bangka.