Deputy prime minister ng Singapore, bumisita sa Malaysia

Deputy prime minister ng Singapore, bumisita sa Malaysia

DUMATING nitong Setyembre 4 si Singapore’s Deputy Prime Minister and Finance Minister Lawrence Wong Shyun Tsai para sa apat na araw nitong pagbisita sa bansa.

Ito ang kanyang unang pagbisita sa Malaysia matapos maitalaga bilang deputy prime minister noong Hunyo 2022.

Sa unang araw ng paghaharap ni Singapore Deputy Prime Minister Lawrence Wong at Malaysian Finance Minister Datuk Seri Tengku Zafrul Abdul Aziz ay sinimulan nila ang pagpupulong sa pagtugtog ng kani-kanilang mga gitara.

Umaasa ang dalawang ministro na higit pang mga talakayan ang kanilang pag-uusapan upang palakasin ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang Singapore ang pangalawa sa pinakamalaking trading partner ng Malaysia.

Bukod pa rito, nakatakda niyang tawagan si Prime Minister Datuk Seri Ismail Sabri Yaakob.

Samantala, nakatakda ring makipag-usap ang pangalawang punong ministro ng Singapore kay Yang Di Pertuan Agong Al-Sultan Abdullah Ri’ayatuddin Al-Mustafa Billah Shah sa National Palace.

Follow SMNI NEWS in Twitter