Deputy Speaker Rodante Marcoleta, umatras sa 2022 senatorial race

Deputy Speaker Rodante Marcoleta, umatras sa 2022 senatorial race

KINUMPIRMA ni Senatorial candidate Rodante Marcoleta ang pagkalas nito sa senatorial race.

Aniya Abril 21 pa nito isinumite sa Commission on Elections (COMELEC) ang papeles para pormal na umatras sa kandidatura.

Sa kanyang official statement, sinabi ni Marcoleta na ang mababang rating sa mga survey ang dahilan ng kanyang pag-atras.

Diin ni Marcoleta, ang hindi niya pag-angat sa survey ay palatandaan ng kahihinatnan niya sa Senate race kung hindi siya aatras.

Nagpasalamat naman si Marcoleta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa paghikayat sa kanya na tumakbong senador.

Nagpasalamat din ito sa lahat ng kanyang supporters.

Sa kabila ng pag-atras sa Senate race, nilinaw ni Marcoleta na patuloy niyang susuportahan ang UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte at ang Senate slate ng PDP-Laban.

Follow SMNI News on Twitter