Dew Jirawat, babalik sa Manila para sa first solo fan meeting

Dew Jirawat, babalik sa Manila para sa first solo fan meeting

MULING masisilayan sa bansa si F4 Thailand star Dew Jirawat para sa kaniyang first solo fan meeting.

Gaganapin ang solo fan meeting ni Jew sa Oktubre 14 sa SM Aura Bonifacio Global City, Taguig.

Matatandaan na noong Hulyo sa Instagram post ni Dew ay ibinahagi ng Thai actor na magkakaroon siya ng tour sa Asia simula August-December ngayong taon.

Excited naman si Dew na makita ang kaniyang Filipino fans.

Samantala, mabibili online ang ticket para sa mga fan na gustong magpa-reserve ng kanilang upuan.

Sumikat si Dew bilang si Ren sa “F4 Thailand: Boys Over Flowers” ang Thai adaptation ng sikat na Japanese manga na ‘Hana Yori Dango’.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble