KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong araw, Abril 10, 2025, ang pagkamatay ng ikalawa sa apat na nawawalang Pilipino sa Myanmar matapos niyanig ng lindol doon.
Naipabatid na sa pamilya ng biktima ang nangyari ngunit wala pang ibang detalye na isinapubliko.
Noong Abril 9, ay nakumpirma na ring namatay ang isa sa mga nawawalang Pilipino.
Sa kabila nito, umaasa ang DFA sa kaligtasan ng dalawa pang Pilipinong nananatiling nawawala sa Mandalay, Myanmar.
Follow SMNI News on Rumble