DFA sa mga Pinoy sa South Korea: Manatiling kalmado sa gitna ng banta

DFA sa mga Pinoy sa South Korea: Manatiling kalmado sa gitna ng banta

MANATILING kalmado at sumunod sa mga abiso ang payo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino na nasa South Korea.

Ito’y kahit inalis na madaling araw nitong Miyerkules, Disyembre 4, 2024 ang ipinapatupad na Martial Law ni South Korean President Yoon Suk Yeol sa naturang bansa kagabi, Disyembre 3.

Sa paliwanag ng Korean President, ipinatupad niya sana ang Martial Law para protektahan ang kalayaan at kaayusan sa kanilang bansa.

Sa gitna na rin ito ng kanilang kinakaharap na banta mula sa North Korea Communist.

Tinatayang nasa 59K ang mga Pilipinong nasa South Korea bilang estudyante, manggagawa, mga asawa ng Korean nationals, at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble