KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino ang nasawi sa malakas na pananalasa ng Bagyong Daniel na tumama sa bansang Libya.
Ayon sa DFA, patuloy na naka-monitor ang Embahada ng Pilipinas sa Tripoli sa mga Pilipino na kasalukuyang nasa Libya.
Ayon din sa DFA, tinatayang nasa 1,100 Filipinos ang kasalukuyang nasa Eastern Libya kung saan 90 dito ay nakatira sa lugar na tinamaan ng Bagyong Daniel.
Karamihan sa mga Pilipino na nasa Libya ay nagtra-trabaho bilang nurses at clinical instructors.
Sa ngayon ang mga Filipino nurse na nasa libya ay patuloy na nagtra-trabaho sa mga ospital doon.
Inilipat din sa matataas na lugar ang mga Pinoy nurse ng hospital management.