DHSUD, may paalala sa publiko kaugnay sa nananamantala sa pabahay program ng pamahalaan

DHSUD, may paalala sa publiko kaugnay sa nananamantala sa pabahay program ng pamahalaan

NAGPAALALA si Department of Human Settlements and Urban Development o (DHSUD) Secretary Rizalino Acuzar sa publiko patungkol sa Pambansang Pabahay Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Acuzar, dapat makipag-ugnayan ang publiko sa mga proper government agency o channel ukol sa naturang programa.

Hakbang ito ng ahensya upang well-informed ang mga ito sa programa ng Pangulo at hindi sa mga unauthorized groups na maaaring manamantala.

Pagbibigay-diin pa ng kalihim na walang pribadong grupo ang awtorisadong kumilos sa ngalan ng ahensya na may kaugnayan sa pambansang pabahay.

“Let me stress that no private individuals or groups are authorized to act on behalf of DHSUD with regards to pambansang pabahay,” ayon kay DHSUD Secretary Rizalino Acuzar.

Kikilos aniya ang DHSUD sa mga matatanggap na reports laban sa mga hindi patas na gawain.

“We are ready to take appropriate action to any report of such unscrupulous act,” saad pa ni Acuzar.

Maliban sa DHSUD, maaari mag-inquire ang mga Pilipino ukol sa programa sa iba’t ibang lokal na pamahalaan.

Gayundin ang mga key shelter agencies tulad ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund), Social Housing Finance Corporation, National Home Mortgage Finance Corporation at National Housing Authority.

Hinikayat ni Acuzar ang mga Pilipino na magtulungan sa hangaring matupad ang pangarap ng bawat pamilyang Pilipino na magkaroon ng sariling tahanan na disente, ligtas at abot-kaya.

Matatandaang, umabot na sa 49 memorandum of understanding ang nalagdaan katuwang ang mga LGU.

Sa ilalim ng Marcos administration target ng programa ang pagtatayo ng 6.5 million units sa loob ng 6 na taon.

Follow SMNI News on Twitter