NAG-IKOT na sa ilang bahagi ng bansa ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) kaugnay ng kanilang proyektong ‘Pambansang Pabahay para sa Pilipino.’
Ayon kay DHSUD Assistant Secretary Avelino Tolentino, nagsimula nang mag-ikot ng kanilang team, hindi lamang sa Metro Manila, kundi pati na rin sa Visayas Region upang makipag-partner sa local government units (LGUs).
Target kasi ng DHSUD na makapagtayo ng 6 na milyong housing units sa ilalim ng 6 na taong panunungkulan ng administrasyong Marcos.
Sinabi ni Tolentino na upang makapagtayo ng 6 million housing units, kakailanganin ng ahensya ang suporta, ang lupa at ang pagtulong sa estate management ng mga proyekto, na walang ibang makakagampan kundi ang LGUs.
Inihayag ng pamunuan ng DHSUD na sa katunayan, ang mga LGU ang talagang nasa driver’s seat ng programang pabahay.