NTF-ELCAC, ‘game changer’ – Defense OIC Faustino

NTF-ELCAC, ‘game changer’ – Defense OIC Faustino

MARIING iginiit ng Department of National Defense (DND) na ‘game changer’ ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTC-ELCAC).

Ito ang ipinagmalaki ni DND-OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. sa pagharap ng Defense Department sa Kamara para idipensa ang kanilang P310-B 2023 proposed national budget.

Ayon kay Faustino, napatunayan na epektibo ang NTF-ELCAC sa laban kontra CPP-NPA-NDF sa mahigit 50 taong problema ng bansa kontra insurhensya.

“We have proven that the national task force, all our efforts of the NTF-ELCAC has been the game changer,” pahayag ni Faustino.

Sa karanasan ni Faustino, nitong 2018 lamang napagtanto ng AFP na hindi ‘purely military approach’ ang gamot sa insurhensya kundi ang pagbibigay sa basic needs sa mga lugar na kuta ng NPA dala ng NTF-ELCAC.

Sinabi ni Faustino na patuloy nilang susuportahan ang task force sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa layuning matuldukan na ang communist insurgency.

Sa ilalim ng 2023 proposed national budget, nasa P10-B ang budget para sa Barangay Development Program ng NTF-ELCAC.

Follow SMNI NEWS in Twitter