DICT, target matapos ang isinasagawang internet program sa 2027

DICT, target matapos ang isinasagawang internet program sa 2027

TARGET ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na makumpleto ang kanilang National Fiber Backbone (NFB) program sa 2027.

Mas maaga ito sa itinakdang time frame kung saan tatapusin sana ito sa taong 2028.

Sa paliwanag ng DICT, matagumpay silang nakahiram ng 288 million dollars mula sa World Bank para gamitin sa naturang programa.

Dahil dito, aasahang sa taong 2027 ay 65 percent na ng bansa ang maaabot ng internet connection sa pamamagitan ng NFB program.

Makakabenepisyo na dito ang 70 milyong Pilipino mula sa kabuuang 115 milyong populasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble