TARGET ng Department of Transportation (DOTr) na maging digitalize na ang railway system sa Pilipinas.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista na ang digitalisasyon at ang mga technology-driven innovation ang makatutulong upang mas mapabuti ang railway system sa bansa.
Nais din nitong palakasin ang manpower nito sa tulong ng Philippine Railway Institute (PRI).
Sa pamamagitan aniya ng pagbibigay ng mga makabagong kagamitan o teknolohiya sa mga operator, engineer, at iba pang kawani ng railway sector ay mas magiging maayos ang serbisyo sa publiko.
Isa aniya sa halimbawa ng digitalization ay ang state-of-the-art training simulators ng PRI na donasyon ng gobyerno ng Japan.
Binigyang-diin ng kalihim, na makatutulong ang mga nasabing kagamitan para sa mga paparating na railway projects ng bansa gaya ng MRT-7, North-South Commuter Railway, Metro Manila Subway Project, at LRT-1 Cavite Extension.