Digitalized system sa pag-monitor ng pangunahing bilihin, isusulong ng DTI

Digitalized system sa pag-monitor ng pangunahing bilihin, isusulong ng DTI

INIHAYAG ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na pinag-aaralan na ang pagkakaroon ng digitalized system para sa monitoring ng mga suplay ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Ayon kay Pascual, pinag-uusapan na ito katuwang ang National Price Monitoring Council (NPMC) para itatag ang isang digitalized system sa pag-monitor partikular ang mga presyo at suplay ng mga agricultural products.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Agriculture (DA) ukol dito.

Sa pamamagitan aniya nito ay matutukoy kung gaano karami ang imbentaryo ng produkto sa bansa at kung gaano kadami ang kokonsumo dito.

Inihalimbawa ng kalihim ang sibuyas kung gaano karami ang kayang maani at kadaming mamimili ang nangangailangan nito.

Ipinunto pa ng kalihim na sa paraang ito ay makagagawa ng maayos na solusyon sa problema sa presyo ng mga bilihin.

Mababatid na ang NPMC ay binubuo ng iba’t ibat ahensya ng pamahalaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter