DILG Abalos dineny ang kumakalat na video sa diumano’y paggamit ni BBM ng ipinagbabawal na gamot

DILG Abalos dineny ang kumakalat na video sa diumano’y paggamit ni BBM ng ipinagbabawal na gamot

DINENY ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang kumakalat na video sa social media kaugnay sa diumano’y paggamit ni Pangulong Marcos Jr. ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa kalihim, kilalang-kilala niya ang Pangulo at hindi aniya ito ang nasa larawan at video sa social media.

Hindi rin aniya nagtutugma sa tenga ng Pangulo sa video kumpara sa totoong features nito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter