PINANGUNAHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP)-Mandaluyong City Police Station katuwang ang Eastern Police District ang bagong estratehiya sa paglaban kontra ilegal na droga.
Sa ilalim ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program, idinaan ng DILG at mga tauhan ng PNP ang suporta sa anti-drugs campaign ng pamahalaan sa pamamagitan ng ‘Bisikleta sa Pamayanan’.
Paraan ito na ibaba sa community level ang awareness campaign at mailapit sa mga tao ang nasabing kampanya.
Bukod dito sa target na drug-free community, sa pamamagitan ng paggamit ng bisikleta ay makatutulong rin ito sa kalusugan ng mamamayan bilang paraan ng ehersisyo.
Patuloy na umiikot ang BIDA Program ng pamahalaan sa iba’t ibang lugar sa bansa para mabilis na pagbaba ng bilang ng mga gumagamit, nagbibenta at kontribusyon ng ilegal na droga sa bansa.