PINANGUNAHAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang presentasyon ng mga accomplishment ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng isang linggong operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ibinahagi nito ang malalaking operasyon ng pulisya katuwang ang iba’t ibang yunit ng PNP sa kampanya kontra krimen, most wanted persons, at ilegal na droga.