DILG, may pinagpipilian na para sa susunod na PNP Chief

DILG, may pinagpipilian na para sa susunod na PNP Chief

NASA kamay na ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mga pangalan para sa susunod na hepe ng Pambansang Pulisya.

Ayon sa kalihim, mayroon na siyang napili na pangalan sa iiwanang posisyon ni outgoing PNP chief General Benjamin Acorda Jr., bagama’t alam niyang nasa kamay pa rin ng Pangulo ang opisyal na desisyon kung sino ang magiging pinunong PNP.

Performance ni outgoing PNP Chief Acorda, pasado sa DILG

Sa kabilang banda, puring-puri naman ng kalihim ang iiwanang legasiya ni Acorda bagama’t sa maiksing panahon lamang ang inilagi nito sa organisasyon.

Nauna nang lumabas ang ilan sa mga matutunog na pangalan na maaaring mapagpilian bilang susunod na PNP chief ay sina Deputy Chief for Administration LtGen. Rhodel Sermonia, Deputy Chief for Operations LtGen. Michael John Dubria, Chief Directorial Staff LtGen. Emmanuel Peralta, Criminal Investigation and, Detective Group Chief Pmgen. Romeo Caramat, NCRPO chief Police BGen. Melencio Nartatez Jr., Director for Comptrollership BGen. Rommel Francisco Marbil, PNP DICTM Director PMGen. Bernard Banac at PBGen. Leo Francisco, Directorate for Operations.

Sa huli, naniniwala ang kalihim na masusugpo lamang ang problema ng ilegal na droga at kriminalidad sa pakikipagtulungan ng publiko at bawat lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Sa pinakahuling datos ng DILG, umabot sa mahigit na P20-B na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng pamahalaan katuwang ang mga pangunahing law enforcement units sa buong bansa habang patuloy naman ang pakiusap nito sa publiko na agad isumbong ang mga nakikitang kahina-hinalang mga aktibidad ng mga tao o grupo sa bawat komunidad sa bansa para masugpo ang problema ng kriminalidad lalo na ang ilegal na droga sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter