NAGPALIWANAG ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa naging pagbabago ng halaga ng shabu na nasabat sa Batangas.
Matatandaang, una nang inanunsiyo ng mga awtoridad na humigit kumulang 1.8 Tons ang tantiya nila sa nasabing droga.
Matapos ang 36 oras na imbentaryo, lumabas na 1.4 Tons lamang ito na may katumbas na 9.6-B piso taliwas sa unang report na 13-B piso.