Drug listed personalities, tiklo ng PDEA

Drug listed personalities, tiklo ng PDEA

ARESTADO ang isang regional target- listed drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Abril 17, 2024, 10:25 ng umaga sa Brgy. Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato.

Kinilala ang suspek na si Darnie Gubatanga Salarda, 43-anyos. Nakumpiska mula sa kaniya ang tatlong sachet ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu na may timbang na mahigit o kulang dalawang gramo na may tinatayang halaga ng droga na P13.6-K.

Naaresto na rin si Salarda sa isang operasyon noong Mayo 2020 ng Philippine National Police (PNP) dahil din sa paglabag sa RA 9165, ngunit nakalaya noong Mayo 2023 dahil sa plea bargaining.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 ang isasampa laban sa suspek.

Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng PDEA ROXII Regional Special Enforcement Team, PDEA South Cotabato Provincial Office, Tupi Municipal Police Station, MAPIO-DI, at 10

Follow SMNI NEWS on Twitter