DILG Sec. Remulla binalaan ang PNP sa pakikialam sa politika ngayong nalalapit na halalan

DILG Sec. Remulla binalaan ang PNP sa pakikialam sa politika ngayong nalalapit na halalan

PANANAGUTIN ang sinumang pulis na masasangkot sa partisan politics.

Ito ang babala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa Philippine National Police (PNP) upang tiyakin na wala silang kikilingang politiko sa nalalapit na halalan.

Ayon kay Remulla, hindi niya palalampasin ang anumang pag-abuso sa kapangyarihan, kasabay ng pagsigurong susunod sa due process ang anumang hakbang laban sa mga pulis na lalabag.

Suportado rin ni Remulla ang kampanya ng Commission on Elections (COMELEC) kontra vote buying.

Kasabay nang paggiit na dapat ay may kaakibat na kampanya laban sa pagtanggap ng bayad kapalit ng boto, o “Kontra Tanggap,” upang mabago ang kultura ng vote buying sa Pilipinas.

Tiniyak naman ng PNP na mananatiling non-partisan ang kapulisan at patuloy itong magiging tapat sa kanilang tungkulin na tiyakin ang isang malinis at maayos na halalan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble