DILG, tiniyak ang kaligtasan ni Cong. Arnie Teves sa pagbabalik sa bansa 

DILG, tiniyak ang kaligtasan ni Cong. Arnie Teves sa pagbabalik sa bansa 

TINIYAK mismo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. ang kaligtasan ng suspendidong kinatawan ng Negros Oriental na si Arnolfo Teves, Jr. sa pagbabalik nito sa bansa.

Ito’y para harapin ang mga akusasyon ukol sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong nakaraang buwan.

Sa katunayan, nangako si Abalos na siya mismo ang magbabantay kay Teves at pangungunahan nito ang kaligtasan ng mambabatas sa tulong ng Philippine National Police.

Matatandaang hindi binigyan ng pahintulot ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na makadalo si Teves sa pamamagitan ng virtual hearing.

Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung kelan babalik ng Pilipinas ang isa sa mga itinuturing na masterminds na si Teves.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter