Dindin Santiago-Manabat, maglalaro na para sa Choco Mucho

Dindin Santiago-Manabat, maglalaro na para sa Choco Mucho

NASA Choco Mucho na si Dindin Santiago- Manabat matapos ang release nito mula sa Akari bago pa man ang PVL Reinforced Conference sa Hulyo.

Sinasabing mula Akari ay inilagay muna sa NXLED si Manabat ngunit hindi na ito makapaglalaro para sa naturang koponan dahil nga sa paglipat nito sa Choco Mucho.

Malaking tulong na rin ito para sa Flying Titans lalo na’t hindi makapaglalaro para sa kanila sa PVL reinforced sina Sisi Rondina at Cherry Nunag dahil sa kanilang tungkulin sa Alas Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay nasa recovery stage pa si Des Cheng at Kat Tolentino.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter