Dingdong Dantes, binigyang-pugay ang mga ilaw ng tahanan ngayong Labor Day

Dingdong Dantes, binigyang-pugay ang mga ilaw ng tahanan ngayong Labor Day

NAGBIGAY-pugay ang aktor at host na si Dingdong Dantes sa lahat ng maybahay o ilaw ng tahanan ngayong Labor Day.

Sa kaniyang Instagram post, kahanga-hanga aniya ang mga maybahay na walang pagod na nagtratrabaho upang gawing komportable at gawing isang lugar ng pagmamahalan ang kanilang tahanan.

Nagbigay rin ng pagkilala ang aktor sa lahat ng hardworking individuals na nagsusumikap sa araw-araw.

Binigyang-papuri din ni Dingdong Dantes ang kaniyang maybahay na si Marian Rivera dahil sa pagsusumikap nito kahit holiday.

Maaga kasi aniya nitong inihahanda ang mga goodie bag para sa kanilang company party ngayong Labor Day.

Umani naman ng papuri mula sa netizen at kapwa nila artista ang pagiging hardworking ng aktres.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter