HANGGANG ngayon wala pa ring ideya ang Philippine National Police (PNP) sa kinaroonan ng American national na si Elliot Eastman na dinukot ng mga armadong kalalakihan sa Zamboanga del Norte isang linggo na ang nakararaan.
Sa pulong balitaan sa Kampo Krame, sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo na bagamat nasa kostudiya na ng PNP ang 3 suspek sa pagdukot kay Eastman, pero bigo pa rin silang makakuha ng impormasyon sa lokasyon ng biktima.
Hindi rin matiyak ng PNP kung buhay pa ba ang dayuhan ngunit umaasa sila na matatagpuan ito sa lalong madaling panahon.
May mga lead na rin ang pulisya sa pakikipagtulungan sa iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa mabilis na pagtunton sa kinaroroonan ng biktima.
Bukod sa tatlong arestadong suspek, at large rin ang tatlo iba pa na sinasabing may mahalagang partisipasyon din sa pagkawala ni Eastman.