IPATUPAD ang ‘use it or lose it’ policy sa pondo ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno sa government agencies.
Hinikayat ni Secretary Diokno na gamitin na ng mga ahensiya ang kanilang pondo.
Ang ‘last minute’ o ang “use it or lose it” policy sa paggastos ng taunang budget ayon kay Diokno ay makatutulong sa panunumbalik ng ekonomiya ng bansa.
Naibahagi rin ni Diokno na mayroong mahigit P100-B na mga inisyung tseke subalit hindi nai-release.
Ang mga tseke ayon kay Diokno ay posibleng hindi binigay sa supplier at isa ito sa mga rason ng underspending ng isang ahensya.
Ang government spending or public consumption ay 20 hanggang 21% sa Gross Domestic Product.