SINIMULAN na ng low-cost airline na Scoot Airlines ang kanilang direct international flights mula at papunta sa Iloilo Airport.
Dumating ang pinakaunang flight nito sa Iloilo International Airport mula Singapore nitong Lunes, April 14, 2025.
Sa anunsiyo naman, ang Scoot Airlines ay may mga flight na mula Singapore patungong Iloilo at vice versa tuwing Lunes at Miyerkules.
Sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines-Region 6 na ang karagdagang mga direktang flight ng Scoot Airlines mula Iloilo ay magpapalakas sa turismo, kalakalan at palitan ng kultura.