Direktor ng “Mallari”, ibinahagi ang nakuhang realization sa pelikula

Direktor ng “Mallari”, ibinahagi ang nakuhang realization sa pelikula

IBINAHAGI ni Derick Cabrido ng horror film na “Mallari” ang nakuha niyang kakaibang insights mula sa pelikula.

Aniya, napagtanto nito na ang dahilan ng pagkabuo ng ‘greatest horror’ sa mundo ay ang pagmamahal.

Ito’y dahil batay sa pelikula, ang labis na pagmamahal ng isang anak sa kaniyang ina ay nagiging sanhi upang mabunyag ang ‘dark side’ ng kaniyang sarili; ang pagmamahal ng isang asawa ay hindi makasarili; at ang pagmamahal ng isang kalaguyo ay maaaring humantong sa pagiging makasarili.

Hindi naman nabigo ang lahat na naging parte ng “Mallari” dahil pumatok ito sa mga manonood.

Kaugnay rito, lubos ang pasasalamat ng direktor sa lahat na mga sumuporta sa kaniyang pelikula.

Sa naging 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal, naiuwi ng “Mallari” ang Best Picture, Best Supporting Actor para kay JC Santos, Best Musical Score at Best Visual Effects Awards.

Ang “Mallari” ay pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Gloria Diaz, Mylene Dizon, JC Santos, Janella Salvador, at Elisse Joson.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble